Ang pagkakaroon ng kuto at lisa sa ulo ay mahirap maiwasan lalo na kung isa sa kasama sa bahay ang mayroon nito. Ngunit para mabawasn ang posibilidad ng pagkakahawa ng kuto, kinakailangang sundin ang mga sumusunod:
- Iwasang manghiram ng gamit ng iba gaya ng suklay, sombrero o kahit na anong bagay na nilalagay sa ulo.
- Ugaliing tignan ang ulo kada 3 o 5 araw upang makatiyak na hindi mahahawa.
- Huwag tumabi sa pagtulog o kaya’y humiga sa pinaghigaan ng taong apektado ng kuto
Para naman sa mga taong mayroon nang kuto sa ulo, mangyari lang na sundin ang sumusunod upang hindi maikalat ang pesteng insekto sa ibang tao:
- Magsuklay lamang sa isang lugar at malayo sa ibang tao
- Pagpagin ang mga pinaghigaang kama at unan. Ang kuto ay maaari lamang mabuhay ng hanggang 2 araw na wala sa ulo ng tao.
- Kung gagamit ng suyod, tiyakin na malayo sa ibang tao.
- Agad ding linisin ang mga pinaghubarang damit, makatutulong kung babanlian ang mga ito.
- Epektibong paraan din ang pagpapakalbo ng buhok