Paano makaiwas sa pagkakaroon ng sore eyes?

Para sa mga mayroong sakit na sore eyes at mga taong nakatira kasama nila, narito ang ilang hakbang na dapat sundin upang maiwasan ang pagkalat pagkakahawa sa sakit:

  • Iwasan ang paghawak sa apektadong mata.
  • Ugaliing maghugas sa tuwing mahahawakan ang mata o kaya matapos maglagay ng gamot.
  • Laging bago ang pamunas na gagamitin.
  • Itapon ang mga ginamit na tissue at make-up na pinang-punas sa apektadong mata
  • Magpalit ng punda, tuwalya at kobre-kama araw-araw
  • Punasan ng disinfectant ang mga lugar na madalas hinahawakan gaya ng doorknob, remote control, mga pasamano, mga hawakan, at maging ang lababo.