Upang maiwasang ang pagtatae, mahalagang maiwasan muna ang mga bagay na maaaring magdulot nito. Ang pagpapanatiling malinis ng katawan at madalas na paghuhugas ng kamay bago kumain o pagkatapos gumamit ng banyo ay ang pinakamahahalagang hakbang upang maiwasan ang pagtatae. Bukod pa dito, dapat ding tandaan o sundin ang sumusunod na hakbang sa tuwing dadayo sa ibang lugar:
- Umiwas sa pag-inom ng tubig na galing sa gripo
- Umiwas sa pagkaing nabibili sa tabi-tabi
- Siguraduhing ang kinakain na pagkain ay naluto ng mabuti
- Huwag kumain ng hilaw na pagkain
Para naman sa pagtatae na dulot ng ibang mas seryosong sakit, makabubuti ang pagpapatingin sa doktor upang maiwasan ang iba pang komplikasyon at sintomas.