Upang maiwasan ang pananakit ng leeg, mangyari lamang na sundin ang mga sumusunod na hakbang:
- Panatiling tama ang pustura (posture) sa pagtindig, pag-upo at sa paghiga.
- Regular na mag-ehersisyo.
- Gumamit ng unan na may tamang taas kapag matutulog.
- Siguraduhing nakahiga ng maayos na pahilata kapag matutulog. At hanggat maaari, umiwas na matulog na nakaupo
- Iwasan ang maling paraan ng pag-upo o ang mala-kuba na posisyon.
- Ilagay sa tamang lebel ang telebisyon o computer. Dapat ay kapantay lamang ito ng mata.
- Siguraduhin nasa tamang ayos ang backpack na dala.
- Isaayos din ang upuan ng kotse.
- Kung pupulot ng mabigat na bagay mula sa sahig, balukturin ang tuhod imbes na likod.
- Magkaroon ng sapat na pahinga
- Umiwas sa stress