Paano makaiwas sa pananakit ng likod?

May ilang hakbangna dapat sundin para maiwasan ang madalas at tumatagal na pananakit ng likod. Kadalasan, ang mga ito ay konektado sa pagtatama ng postura at pag-iwas sa mabibigat na trabaho na hndi na kaya ng likod. Narito ang ilang hakbang:

  • Kung magbubuhat ng mabibigat na bagay, gawin ito sa wastong paraan. Ibaluktot ang tuhod at panatilihing tuwid ang likod habang binibuhat ang bagay. Panatilihing malapit ang bagay habang binubuhat.
  • Itulak at huwag hilain ang mga mabibigat na bagay
  • Kung ikaw ay nakaupo ng matagal na oras, siguraduhing ikaw ay mag-unat-unat kada ilang minuto.
  • Sa mga babae, mas mainam ang mga flat shoes or mga sapatos na mababa lang ang heels (1 pulgada o mas mababa).
  • Mag-ehersisyo!
  • Tandaan ang tamang postura. Kung uupo, piliin ang mga upuan na tuwid ang likod o di-kaya’y may low-back support. Panatilihing mas mataas ng konti ang tuhod kesa sa balakang. Kung nakatayo, panatilihing ang iyong mga tainga, mga balikat, at balakang ay nasa isang tuwid na linya. Ang ulo ay hindi dapat nakayuko o nakatingala.