Ang kaso ng paso ay kayang-kayang maiwasan, sa bahay man o sa trabaho, kinakailangan lamang ang pagiging maagap at maingat sa lahat ng bagay na maaaring pagmulan ng sunog o paso. Narito ang ilan sa mga simpleng hakbang na maaaring sundin upang maiwasan ang kaso ng paso o sunod:
- Huwag iiwan ang pagkain habang niluluto
- Iiwas nang mabuti ang hawakan ng mga lutuan mula sa init ng apoy.
- Gumamit ng maasahang proteksyon sa kamay kung trabaho ang paghawak sa maiinit na bagay.
- Ilayo ang maiinit na likido o maiinit na bagay sa maaabot ng mga bata at alagang hayop.
- Huwag magsusuot ng mga damit na maaaring sumayad sa apoy habang nagluluto
- Ilayo ang mga bagay na madaling magliyab sa mga bagay na mainit
- Huwag maninigarilyo. Kung hindi maiwasan, matutuong manigarilyo sa tamang lugar at itapon ang upos ng sigarilyo sa tamang tapunan.
- Ilayo ang mga kemikal at mga bagay na madaling magliyab sa maaabot ng mga bata.