Walang paraan upang maiwasan ang pagkakaroon ng psoriasis. Ang tangi lamang magagawa ay ang pag-iwas sa mga triggers, o mga bagay na makapagpapasimula ng mga sintomas ng sakit. Ang mga tinuturing na triggers ng sakit na psoriasis ay ang sumusunod:
- Malamig at tuyong klima. Sa panahon ng taglamig, ang sintomas ng psoriasis ay masmalala. Bahagya naman itong humuhupa kapag mainit ang panahon.
- Pagkakamot at pagkutkot sa balat. Ang pagkakamot ng balat na minsan ay sanhi ng pagsusugat ay nakapagpapalala din ng sintomas ng psoriasis.
- Stress. Bagaman walang sapat na pag-aaral, tinuturing na nakapagpapalala rin ng kondisyon ang pagkakaranas ng stress
- Paninigarilyo at pag-inom ng alak. Humihina ang pangangatawan kung mananatili sa paninigarilyo at pag-inom ng alak. Hindi ito makakatulong sa taong may sakit na psoriasis.
Sa bahay, may ilan ding mga hakbang ang makakatulong na bawasan ang nararamdamang sintomas. Narito ang ilan:
- Alagaan ang balat. Kung nag-uumpisa nang maranasan ang mga sintomas, makatutulong ang paglalagay ng katas ng dahon ng Aloe Vera o sabila.
- Uminom o magpahid ng gamot na mabibili na over the counter.
- Sundin ang payo ng doktor tungkol sa pagbibilad sa araw
- kumain ng gulay at prutas.