Paano makakaiwas sa pagiging anak-araw?

Dahil nga ang sakit na ito ay namamana o nakukuha mula sa mga magulang, walang malinaw na paraan para maiwasan ang pagkakaroon ng ganitong kondiyon. Kung kaya, dapat ay tulungan na lamang ang indibidwal na nakararanas nito na magkaroon ng mas normal na pamumuhay. Maaring sundin ang mga sumusunod na hakbang:

  • Gumamit ng mga salamin na may mabisang lente para mapalinaw ang paningin
  • Gumamit ng sunscreen lotion upang maiwasan ang masmadalas na pagkasunog ng balat
  • Umiwas sa pagbibilad sa araw lalo na sa katanghalian
  • Gumamit o magsuot ng proteksyon sa balat gaya ng sombrero, long-sleeve na damit at mga pantalon
  • Gumamit din ng shades bilang proteksyon ng mata mula sa sinag ng araw.