Paano malalaman kung mayroong malalang kaso ng Tigyawat o Pimples (Acne)?

Ang pagkakaroon ng tigyawat sa balat madali lamang mapansin at kadalasa’y hindi na nangangailangan ng konsultasyon sa doktor. Ngunit kung ang kondisiyon ng iyong tagyawat ay nakababahala na, maaring lumapit sa isang dermatologist o spesyalista sa balat upang humingi ng payo. Ang ilan sa mga nakababahalang kaso ng tagihawat ay ang sumusunod:

  • Ang tigyawat ay tumagal na ng 3 buwan o higit pa at walang senyales ng paghupa kahit pa ginamitan na ginagamot na ito sa bahay.
  • Matinding pagsusugat at pagpepeklat.
  • Malalaki at matitigas ang tigyawat at may laman sa loob.
  • Pagkakaroon ng iba pang sintomas gaya ng pagtubo ng buhok sa mukha sa kababaihan.
  • Pagkakaroon ng tigyawat kasabay ng paginom ng gamot.
  • Pagkakaroon ng tigyawat matapos madikitan ng kemikal o substance na nakairita sa balat.