Paano malaman kung apektado ng Mad Cow Disease?

Dahil ang sakit na Mad Cow Disease ay mabagal at progresibo, na maaring umabot ng 10 hanggang 30 taon bago magsimulang maramdaman ang mga sintomas, at may halos kaparehong mga sintomas sa sakit na Alzheimer’s Disease, madalas ay binabale-wala, o kaya ay huli na kung ito ay matutukoy. Bukod pa rito, wala ring ispesipikong pagsusuri o eksaminasyon na isinasagawa para mabilis na makatiyak na positibo sa sakit.

Sa ngayon, ang tanging paraan lamang para makatiyak sa pagkakaroon ng sakit na ito ay sa pamamagitan ng pag-aaral sa utak ng pasyente sa paraan ng biopsy kung nabubuhay pa ang pasyente, o kaya ay autopsy kung pumanaw na.