Dahil ang bangungot ay wala pang sapat na pag-aaral, walang tiyak na paraan para ito ay matukoy. Ngunit kung nararanasan ang mga sintomas gaya ng pag-ungol at hirap sa paghinga, dapat maging alerto ang mga kasama sa bahay upang agad na maitakbo sa ospital.
Kung may suspetsa naman na nakakaranas ng bangungot, maaaring lumapit sa doktor at humingi ng payo ukol sa nararanasan. Ang kondisyong ito ay kadalasang natutukoy lamang sa pag-iinterbyu sa taong kasama sa pagtulog. Dito’y maaaring tanungin kung kailan at gaano kadalas napapansin ang mga sintomas ng bangungot. Kung ang impormasyon ay hindi sapat, maaaring patulugin sa isang klinika ang pasyenteng pinagsususpetsahan na nakakaranas ng bangunguot habang may nakakabit na mga aparato gaya ng ECG upang mabantayan ang takbo ng puso.