Paano malaman kung buntis?

Paano nga ba malalaman kung ikaw ay nagbubuntis o nagdadalang-tao? Ito ang isang napakahalagang katanungan sa ating mga kababaihan.

Ang isa sa pinaka-maasahang indikasyon kung buntis ba ang isang babae ay ang paggamit ng pregnancy test. Ang pregnancy test ay maaaring gamitin 2-3 linggo makatapos ang pakikipagtalik, o kaya sa nakatakdang araw na dapat magkakaron ng regla ngunit dumating. Basahin ang artikulong “Paano gumamit ng pregnancy test” para sa wastong paraan ng paggamit at pagbasa nito.

Narito ang listahan ng mga senyales ng pagbubuntis. Ang mga senyales o sintomas na ito ay hinahati sa tatlo: una, ang mga posibleng senyales, pangalawa, ang mga maaaring senyales (probable signs), ang pangatlo, ang siguradong senyales (definite signs). Pataas ng pataas ang probabilidad ng pagkabuntis ayon sa mga kategoryang ito.

Posibleng Senyales ng Pagbubuntis (Possible Signs of Pregnancy)

  • Pagtigil ng menstruation o regla ng mahigit sa 6 na linggo
  • Pakiramdam ng pagkabuntis (lalo na sa mga babaeng nabuntis na dati)
  • Pagsusuka at pagkahilo: ito ay kadalasang nangyayari mula 2-8 linggo matapos ng pagtatalik
  • Pamamaga at paglaki ng mga suso
  • Pagdalas ng pag-ihi
  • Pagkapagod
  • Mga marka ng pagkaunat sa tiyan (stretch marks)
  • Mga ugat-ugat
  • Pakiramdam ng pag-galaw sa loob ng tiyan

Maaaring Senyales ng Pagbubuntis (Probable Signs of Pregnancy)

  • Paglaki ng tiyan
  • Positibong Pregnancy Test
  • Pagbabago ng hugis ng bahay-bata
  • Paglambot ng kwelyo ng matris o cervix
  • Paglaki ng bahay-bata
  • Pagkapa sa sanggol sa loob ng matris o uterus

Siguradong Senyales ng Pagbubuntis (Definitive Signs of Pregnancy)

  • Pagkakarinig ng tibok ng puso ng sanggol (gamit ang stethoscope o iba pang instrumento)
  • Pagkakita sa sanggol gamit ang ultrasound
  • Pagkakita sa sanggol gamit ang x-ray (hindi karaniwang ginagawa)

Kung mapapansin ninyo, ang “Siguadong Senyales” o Definite Signs of Pregnancy ay maaaring malaman lamang sa pamamagitan ng pagpapakonsulta. Kung may nararamdaman kayo na alin man sa mga “Posible” o “Maaaring” senyales ng pagbubuntis, magpakonsulta na doktor para masubaybayan at magabayan ang inyong pagbubuntis.

Ang tanong na “Buntis ba ako?” ay isa sa mga pinakapopular na tanong. Para basahin ang mga naitanong na ng iba, basahin ang “Buntis Ba Ako? Mga karaniwang tanong”.

MAGBASA PA: MGA SENYALES NG PAGBUBUNTIS AT PANGANGAK
Mga senyales ng una hanggang ikatlong buwan ng pagbubuntis
Mga senyales ng ika-apat hanggang ika-anim buwan ng pagbubuntis
Mga senyales ng ika-pito hanggang ika-siyam na buwan ng pagbubuntis
Mga senyales na malapit nang manganak