Paano malaman kung may alipunga?

Masasabing ang paa ay may alipunga kung ang mga nabanggit na sintomas ay nararanasan. Kadalasan, nalalaman na kaagad ito ng doktor sa isang tingin lamang. Sa mga malalang kondisyon naman, maaring kumuha ang dermatologist ng sample mula sa paa. Maaring ito ay kuko o maliit na bahagi ng balat na apektado ng sakit. Ang sample na ito ay isasailalim sa mga pagsusuri upang malaman kung anong uri ng fungi ang nakaaapekto sa paa.