Paano malaman kung may allergic rhinitis?

Maaaring malaman kung may kaso ng allergic rhinitis kung makikitaan ng mga sintomas na nabanggit. Sa mga simpleng kaso ng sakit na ito, hindi na kinakailangan pang ipasailalim sa mga examinasyon. Gayunpaman, kung ito ay malala na at hindi naiibsan ng mga naunang preskripsyon, maaring magsagawa ng ilang pagsusuri ang doktor gaya ng rhinoscopy o nasal endoscopy upang malaman kung iba pang sanhi ng allergy.