Kadalasan, natutukoy ang pagkakaroon ng allergy sa simpleng interbyu sa isang pasyente. Dito’y tinatanong kung ano ang mga bagay na posibleng nakapagpasimula ng reaksyon, gayundin kung saan at kailan ito naranasan. Maaaring ding tanungin kung ano ang mga bagay huling ginawa o kinain o ininom sa nakalipas na ilang oras. Bukod dito, maaari din magsagawa ng ilang pagsusuri para matukoy ang pagkakaroon ng allergy:
- Skin Test – tinuturok sa balat ang maliit na dami ng protina at babatayan kung magkakaroon ng allergic reaction sa balat gaya ng pagpapantal at pamumula ng balat.
- Blood Test – dito’y kumukuha ng sample ng dugo at pag-aaralan sa laboratoryo upang matukoy kung pagkakaroon ng allergy sa ilang mga bagay.