Paano malaman kung may Alzheimer’s Disease?

Sa pangkasalukuyan, ang pagsusuri sa Alzheimer’s Disease ay binubuo ng masuring pag-aaral ng kasaysayan ng pasyente at mga obserbasyon ng doktor sa kilos, pagsasalita, at pag-iisip ng pasyente.

Ang mga diagnostic test gaya ng Magnetic Resonance Imaging (MRI) ay maaaring gamitin upang tiyaking walang ibang sanhi ang mga sintomas ng pasyente, subalit hindi ko kailangan sa mga pangkaraniwang kaso ng Alzheimer’s Disease.

Bawat karamdaman ng bawat pasyente ay katangi-tangi, at ang inyong doktor lamang ang makakapagsabi kung ano-anong mga pagsusuri ang dapat isagawa.