Para matukoy ang pagkakaroon ng impeksyon ng amoeba, sinusuri ang stool sample o dumi ng taong nakakaranas ng disenterya o pagtatae at sinisilip sa ilalim ng microscope. Dito’y hinahanap ang cyst o itlog ng organismo na hindi naman madaling makita at hindi rin madalas lumalabas sa pagdumi. Dahil dito’y humihingi ng 3 hanggang 5 sample ng dumi mula sa pasyente na inilabas sa iba’t ibang araw. Bukod pa dito, maaari din magsagawa ng blood tests kung sinususpetsahan na umatake na sa mga pader ng bituka o lumabas na ang amoeba mula sa bituka at nakaabot na sa ibang bahagi ng katawan gaya ng atay.