Natutukoy ang pagkakaroon ng bato sa apdo sa pamamagitan ng ilang mga paraan gaya ng mga sumusunod:
- Mga imaging tests sa tiyan. Maaaring matukoy ang pagkakaroon ng bato sa apdo sa pamamagitan ng ilang imaging tests gaya ng X-ray, CT Scan o kaya Ultrasound. Ang pagsilip sa tiyan gamit ang mga nabanggit na pamamaraan ay ang mga pangunahing paraas para ma-diagnose ang pagkakaroon ng bato sa apdo. Maaari din nitong matukoy ang mga posibleng pagbabata sa mga daluyan ng bile na kadalasang nagsasanhi ng impeksyon at pananakit.
- Paggamit ng iba pang paraan para masilip ang posibleng pagbabara ng bato. Gumagamit din ng hepatobiliary iminodiacetic acid (HIDA) scan, magnetic resonance imaging (MRI) at endoscopic retrograde cholangiopancreatography (ERCP) para matukoy ang posibleng pagbabara.
- Pagsusuri sa dugo. Ang mga komplikasyon na dulot ng pagbabara sa mga daluyan at pagkakaroon ng mga bato sa apdo ay maaaring makita sa pamamagitan ng mga pagsusuri sa dugo. Maaaring makita dito ang mga impeksyon sa atay, sa mga daluyan, sa lapay o pancreas.