Ang diagnosis ng chikungunya ay sa pamamagitan ng isang laboratory test kagaya ng RT-PCR at ELISA. Ngunit sa kasalukuyan, bibihira ang mga ospital na mayroon nito at kadalas, ang sakit na Chikungunya ay natutuloy sa pamamagitan ng pagtingin sa mga sintomas nito, at kawalan ng ibang sakit na maaaring magpaliwanag sa lagnat, sakit ng kasukasuan, at rashes. Halimbawa, kung negative ang isang pasyente sa dengue, isa ito sa mga konsiderasyon.
Paano malaman kung dengue ba o chikungunya ang isang sakit?
Kung ang pagbabatayan lamang ay ang mga sintomas, mahirap silang matuoy dahil magkatulad ang mga sintomas nila gaya ng lagnat, rashes, sakit sa kasukasuan, at iba pa. Subalit may mga ibang katangian ang dengue gaya na pagiging positive sa Tourniquet test o paglabas ng mga maliliit na pula sa balat kung hihigpitan ang braso. Bukod dito, may mga laboratory test para sa dengue at pwedeng magsabi kung may dengue ba ang isang pasyente o wala. Kung wala, maaaring (ngunit hindi palagi) chikungunya ang sakit ng pasyente.