Paano malaman kung may diabetes?

Ang diabetes ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng pagsukat ng antas ng asukal sa dugo o blood sugar. Dahil natural naman na tumataas ang asukal sa dugo pagkatapos kumain, karaniwan ay hininiling ang pasyente na huwag munang kumain ng hindi bababa sa 12 na oras bago isagawa ang pagkuha sa dugo. Dahil hindi naman talaga normal na kumakain ang mga tao sa gabi, ang eksaminasyong ito, na tinatawag na Fasting Blood Sugar, ay ginagawa sa umaga. Tandaan na mahagalang seryosohin ang patakarang huwag kakain na hindi kukulang sa 12 na oras dahil ang pagkain ay makakaapekto sa resulta ng eksaminasyon.

Paano basahin ang resulta ng Fasting Blood Sugar?

Kung ang resulta ang higit sa 7 mmol/l (126 mg/dl), ito ay mataas at maaring maging batayan sa pag-diagnose ng diabetes ngunit kailangan paring iugnay ito sa ibang findings ng doktor. Kung ang resulta ay 5.5 hanggang 7 mmol/l (101–125 mg/dl), hindi pa naman ito diabetes ngunit medyo nakakabahala narin ang resulta kaya maaaring may ibigay na gamot ang doktor o payuhan na ang pasyente na umiwas sa pagkain ng mga pagkain na mataas ang glycemic index.

May iba pa bang laboratoryo na pwedeng gamitin para matukoy ang diabetes?

Bukod sa Fasting Blood Sugar, maaaring magrequest ang doktor ng isa pang test na sumusuka sa HbA1c. Ang antas ng HbA1c ang magbibigay ng edeya sa atin kung gaanong katagal na ang diabetes, at kung maayos ba ang pagkokontrola na antas ng asukal sa dugo.

Mahalaga ding sukatin ang timbang at blood pressure, at iba pang mga blood test gaya ng creatinine at BUN (para tingnan kung anong lagay ng mga bato), at iba pa. Kalimitan, isang kuhanan lamang ng dugo ang kailangan para sa lahat ng ito.