Paano malaman kung may Diphtheria?

Madaling natutukoy ng mga doktor ang pagkakaroon ng sakit na diphtheria sa pagkakaroon ng sore throat at mala-abong kulay na makapal na patong o membrane sa lalamunan. Ngunit upang makatiyak, maaaring kumuha ng sample mula sa membrane sa lalamunan at suriin sa laboratoryo. Kung mag-positibo sa bacteria na Corynebacterium diphtheria, sigurado na ang pagkakaroon ng sakit.