Upang matukoy ang pagkakaroon ng epilepsy, kinakailangang sumailalim sa pagsusuri ang isang pasyente. Sa simula ay pag-aaralan ng doktor ang mga sintomas na nararanasan at ang kasaysayan ng sakit ng pasyente. Kadalasan, ang pagkakaroon ng dalawang magkasunod na atake ng seizure ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng sakit na epilepsy. Ngunit para makatiyak, maaaring isagawa din ang mga sumusunod na eksaminasyon:
- Electroencephalogram (EEG) – Ito ang pinakamahusay at epektibong instrumento sa pagtukoy ng sakit na epilepsy. Nababasa kasi nito ang mga kuryente o electrical signals na nagmumula sa utak.
- CT Scan – Maaaring makita ang anumang abnormalidad sa utak sa pamamagitan ng eksaminasyon sa CT Scan. Maaaring makita dito ang pinsala, tumor at iba pang kondisyon na maaaring sanhi ng seizure.
- Magnetic Resonance Imaging (MRI). Gaya rin ng CT Scan, natutukoy rin ang ano mang abnormalidad sa utak ng tao na maaaring sanhi ng atake ng seizure.
- Positron emission tomography (PET). Gumagamit ng mahinang radiation upang mas makita ng maayos kondisyon sa utak. Sa tulong nito, maaaring malaman ang sahi ng seizure.