Paano malaman kung may galis sa balat?

Ang pagkakaroon ng galis sa balat ay natutukoy dahil sa mga sintomas na nararanasan tulad ng pagkakaroon ng mga butlig sa balat, at matinding pangangati lalo na sa gabi. Ngunit upang makatiyak, maaaring suriin ang balat kung may presensya ng galis. Ginagawa ito sa pagkuha ng maliit na sample (scrapings) mula sa apektadong balat, at saka susuriin sa ilalim ng microscope. Bukod pa rito, maaari ring patakan ng tinta ang balat upang malagyan ang mga butas na nilikha ng mga kuto at saka pupunasan. Dahil dito, lilitaw nang mas malinaw ang mga “burrows” o butas sa balat.

Maaari bang magkamali sa pagtukoy sa galis sa balat?

Hindi malayong magkamali ang mga doktor sa pagtukoy sa pagkakaroon ng galis sa balat sa pagsisimula pa lamang ng pananalasa ng mga kuto sapagkat ang mga sintomas ay kahalintulad din ng kagat ng lamok, surot, at iba pang insekto, o kaya ay simpleng pagtatagihawat lang.