Paano malaman kung may Hepatitis B?

Tanging sa pagsasagawa ng blood test maaaring makasiguro sa pagkakaroon ng hepatitis. Upang makatiyak kung positibo sa Hepatitis, maaaring gamitin ang pagsusuri sa dugo na tinatawag na Hepatitis profile. Dito’y maaaring matukoy ang pagkakaroon ng Hepatitis virus at makasiguro kung anong uri ng virus ito (Hepa A o B) at kung ito ay acute o chronic na impeksyon

Maaari ring suriin gamit ang Liver Function Tests o LFT kagaya ng ALT, AST, Alkaline Phosphatase, at iba pa, upang masukat ang kalagayan ng atay. Sa ibang mga kaso, lalo na sa mga bata, pwede ring suriin ang “Bilirubin” sa dugo. Ang “Bilirubin” ay syang responsable sa paninilaw ng katawan lalo na kung tumaas ang level nito sa dugo.

Nagsasagawa din ng Liver Biopsy upang mapag-aralan kung gaano katindi ang pinsala sa atay.