Q: Paano malaman kung may HIV ang ka-sex mo?
A: Walang paraan. Hindi mo malalaman kung may HIV ang ka-sex mo sapagkat walang sintomas ang HIV. Ito’y nagkakaron lang ng sintomas kung ito’y malala na. Dahil dito, napakahalaga na maging maingat sa pakikipagsex. Iwasan ang pakikipag-sex sa mga ‘di mo kakilala. Gumamit ng condom kung makikipagtalik.
Basahin: Paano Gumamit ng Condom
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa HIV/AIDS, tingnan ang pahinang HIV/AIDS sa Mediko.PH.