Paano malaman kung may Impatso o Indigestion?

Upang matukoy ang pagkakaroon ng impatso, kinakailangan ihayag ng mabuti sa doktor kung saang bahagi ng tiyan partikular na nararamdaman ang pananakit. Upang makatiyak, maaring magsagawa ng X-ray at ilang blood tests upang matukoy ang pagkakaroon ng ibang sakit na nakapagdudulot ng impatso. Maaari ding gumamit ng endoscope upang masilip kung ano ang kaganapan sa loob ngtiyan. Ang endoscope ay isang mahabang instrumento na pinapasok sa bibig patungong tiyan na may ilaw at kamera sa dulo na maaaring mag-record ng mga larawan sa loob ng tiyan.