Ang pagtukoy sa kondisyon ng alcoholism ay binubuo ng pagtatanong o pag-iinterbyu ng doktor sa pasyenteng sinususpetsahan ng alcoholism. Maaaring tanungin din ng doktor ang mga taong nasa paligid ukol sa kondisyon. Layunin ng pagtatanong na ito na alamin kung positibo sa mga sintomas na konektado sa sakit na alcoholism at tinitignan din ang mga sumusunod:
- Tolerance sa pag-inom ng maraming alak
- Withdrawal symptoms gaya ng pagsusuka, panginginig ng kalamnan, at pagpapawis kung hindi makaiinom ng alak.
- Maya’t mayang pagnanais sa pag-inom ng alak
- Paglalaan ng mahabang oras sa pag-inom ng alak
- Kawalan ng interes sa ibang mga bagay
- Patuloy na pag-inom ng alak kahit pa alam nang may hindi mabuti itong naidudulot sa katawan.