Ang pagkakaroon ng kuto sa ulo ay madaling natutukoy kung titignang mabuti ang buhok at ulo. Dahil ang mga kuto ay mak kakayahang makagapang ng mabilis, maaaring hindi sila agad na mapansin. Ngunit ang pagkakaroon ng mga lisa sa buhok ay indikasyon ng pagkakaroon ng kuto sa ulo. Matutukoy din ang pagkakaroon ng kuto sa pamamagitan ng suyod, o ang suklay na may pinong ngipin. Suklayin lamang ang buhok gamit ang suyod habang nakatapat sa puting papel. Ang mga kuto ay maaaring mahulog sa puting papel at madaling makikita.
Saang bahagi ng ulo kadalasang nakikita ang mga kuto?
Ang mga kuto ay kadalasang namamayagpag sa bahagi ng anit na nasa likod ng tainga, at sa bahaging malapit sa batok.