Ang pagkakaroon ng sakit na malaria ay madaling natutukoy sa pamamagitan ng pagsusuri sa dugo o blood test. Dito’y maaaring makatiyak kung:
- positibo sa sakit na malaria
- anong uri ng parasitiko ang nagdudulot ng sakit
- anong gamot ang dapat ibigay para sa sakit
Ang pagsusuring ito ay ginagawa sa laboratoryo ay sinisilip sa ilalim ng microscope ang sample ng dugo mula sa pasyenteng pinaghihinalaang may sakit na malaria. Ang resulta ng pagsusuri sa dugo ay maaaring makuha ng mabilisan o kaya ay pagkatapos ng ilang araw.
Ang ilan pang pagsusuri at eksaminasyon ay maaari ding isagawa sa mga pasyenteng pinaghihinalaan may sakit. Maaaring ito ay ang sumusunod:
- Pagsusuri sa atay upang matukoy kung gaano kalala ang pinsalang dulot ng sakit sa atay
- Complete Blood Cvount o CBC upang matukoy kung mayroon nang kaso ng anemia dahil sa sakit na malaria
- Pagsusuri ng blood glucose o sugar upang masukat din ang label ng asukal sa dugo na apektado rin ng sakit.