Mga laboratoryo at eksaminasyon para sa myoma
Ang pag-gawa ng ultrasound ay ang pinaka-karaniwang paraan upang makita at ma-diagnose ang pagkakaron ng myoma. Ang mga myoma ay maaaring makita at masukat sa ultrasound. Ang ultrasound ay pwedeng ipasok sa pwerta ng babae upang makita ay matris (transvaginal ultrasound), at pwede rin naman ang ang probe ay itapat sa may puson (transabdominal ultrasound).
Minsan, kung komplikado ang kaso o hindi makita ng maayos sa ultrasound, may iba pang eksaminasyon na pwedeng gawin, gaya ng hysterosonography, na parang ultrasound rin pero may nilalagay na ‘saline solution‘ sa matris, o kaya hysteroscopy, kung saan may ipapasok sa matris na maliit na parang telescope upang diretsahang makita ang matris.