Bago ang lahat, inaaalam muna ng doktor ang mag posibleng dahilan ng pananakit ng likod. Maaring magsagawa ng interbyu ang doktor tungkol sa trabaho, mga nakasanayang gawain, at iba pang mga bagay na maaaring makaapekto sa likod. Ang tipikal na pananakit ng likod ay kadalasang nawawala sa loob ng 6 na linggo. Ngunit kung ito ay tumagal na higit pa dito, maaaring isailalim sa X-ray o CT scan ang pasyente upang makita ang gulugod at iba pang bahagi ng likod upang matukoy kung mayroong problema na nakapagdudulot ng pananakit ng likod.