Ang pagkakaroon ng psoriasis ay madaling natutukoy ng dermatologist sa simpleng obserbasyon lamang sa balat, kuko at anit. Kadalasan ay hindi na nangangailangan ng pagsusuri at eksaminasyon upang ito ay matukoy, bagaman may ilan pa rin na maaaring isagawa.
- Biopsy – Maaaring kumuha ng maliit na bahagi ng balat upang mapag-aralan sa laboratoryo at matukoy kung mayroong psoriasis
- X-ray – Isinasagawa ang X-ray upang tukuyin ang pagkakaroon ng Psoriatic Arthritis.
- Blood test – Upang matukoy din ang kung mayroong arthritis
- Maaari din magsagawa ng Throat Culture at KOH test upang matukoy ang pagkakaroon ng iba pang sakit.