Paano malaman kung may pulmonya o pneumonia?

Mga sintomas at pag-eeksamin ng doktor

Base sa mga sintomas at sa pag-eeksamin ng doktor sa pasyente, maaaring matukoy ang pagkakaron ng pneumonia. Pakikingan ng doktor ang paghinga gamit ang isang stethoscope at kung marahas ang tunog ng paghinga (harsh breath sounds), isa itong senyales ng pagkakaron ng pulmonya. Susukatin din ang temperatura at bibilangin ang bilis ng paghinga.

Mga laboratoryo

Maaaring mag-request ng chest X-ray ang doktor upang makita ang mga baga. Maaari ding mag-request ng sputum culture o sample na plema na titingnan kung ano ba ang mga bacteria dito – upang mapili ang pinakamainam na antibiotics.