Paano malaman kung may scabies o kurikong?

Kalimitan, ang scabies o kurikong ay natutukoy base lamang sa mga sintomas ng pasyente, at hindi nangangailangan ng laboratory test. Ilan din sa mga bagay na magtuturo sa scabies ay ang kakulangan sa kalinisan sa kapaligiran, ang pagtira sa lugar o pagtulog sa kuwarto na maraming tao (halimbawa, mga dormitoryo o barko).

Titingnan din ng doktor ang balat na apektado na kurikong. Kalimitan, makikita din ang pagtuklap ng balat at maaari ding makita ang paghuhukay mismo ng surot o mite. Ngunit kahit wala ang mga senyales na ito, maaari paring matukoy ang pagkakaron ng scabies.