Ang mga sintomas ng sore eyes ay madaling mapansin kaya’t madaling natutukoy ang pagkakaroon ng sore eyes sa pamamagitan ng obserbasyon lamang. Gaynpaman, maaari pa ring silipin ng doktor ang mata gamit ang Slit Lamp at maaari ring kumuha ng sample mula sa mata upang mapag-aralan kung anong tiyak na sanhi ng sore eyes. Maaari ring magsagawa ng ilang pagsusuri sa mata upang malaman kung ang sore eyes ay sintomas ng iba pang sakit.