Paano malaman kung may TB o tuberculosis?

Q: Tanong ko lang po may posibilidad ba na magkaroon ako ng TB, ayon sa aking nanay may bronhitis ako nun ako ay bata pa lamang. nag 6 moths gamutan dw po ako noon. ngayon ako ay 27 years old na napansin ko po na may parang bukol sa aking kanang batok, maliit palang pero d nman po masakit. may auncle at auntie po ako na may ganito dati ang sabi TB dw po. pero parents ko wala nman pong TB.

A: Madalas, ang manipestasyon ng TB ay mga sintomas gaya ng ubo na tumatagal ng higit sa dalawang linggo, pagkakaron ng plema na may dugo o kulay kalawang, pagkakaron ng lagnat sa gabi, at sa iba, pangangalos o pakiramdam ng pagod. Ang pagkakaron ng kulani sa leeg na pwedeng makapa ay posibleng sintomas rin ng TB subalit maaaring ito ay tanda rin ng pagkakaron ng TB noong ikaw ay bata pa. Para sa maraming tao, normal ang pagkakaron ng kulani sa leeg at maliban na lamang kung ito’y namamaga o lumalaki ng biglaan, ito’y hindi dapat ikabahala.

Para sa dagdag na kaalaman tungkol sa kulani sa leeg, basahin ang artikulong “Kulani sa leeg: Mga karaniwang tanong” sa Mediko.PH. Kung nais mo namang malaman ang karagdagang kaalaman tungkol sa TB, bisitahin ang pahinang “Tuberculosis” sa website ring ito.