Ang pagkakaroon ng tonsilitis ay madali lamang natutukoy sa pamamagitan ng simpleng obserbasyon sa lalamunan. Ang pamumula at pamamaga ng mga tonsils, at minsan ay nagkakaroon ng nana ay indikasyon ng pagkakaroon ng tonsilitis. Tinitignan din kulani sa leeg at panga kung nagkakaroon ng pamamaga. Maaari ring suriin ang dugo sa pamamagitan ng Complete Blood Count o CBC upang makita kung may impeksyon. Minsan ay nagsasagawa din ng throat swab upang matukoy kung anong bacteria o virus ang sanhi ng impeksyon.