Kadalasan ay hindi na nagsasagawa ng mga eksaminasyon sa laboratoryo, inoobserbahan lang ang pasyenteng hinihinalaang apektado ng tetano. Dito’y sinusuri kung may sintomas na pinapakita ang pasyente. Ang unang tinitignan ay ang mga kalamnan kung ito’y naninigas at may pagngisay. Tatanungin din ang pasyente tungkol sa kasaysayan ng kanyang pagpapaturok. Mas malaki ang posibilidad na may impeksyon na naganap kung lampas na ng 10 taon, o kaya’y di na maalala ang huli, ang huling pagpapabakuna.