May mga gamot at shampoo na nirereseta ng doktor at maaring mabili sa mga suking pamilihan at botika. Ginagamit ang lindane shampoo para hugasan sa buhok sa pagligo, at saka naman papahiran ng gamot gaya ng malathion. Ang mga ito ay nakatutulong na patayin ang mga kuto at lisa sa ulo, at nagpapadulas sa buhok upang matanggal ang mga nakakapit na lisa. Upang makasiguro, mangyaring lumapit sa doktor at humingi ng payo ukol sa mabisang pantanggal ng mga peste sa ulo.
Sa bahay naman, maaari din gamitan ng suyod ang buhok upang matanggal ang mga nakakapit na lisa sa buhok. At ang iba pa ay gumagamit naman ng langis o gaas upang patayin ang mga kuto at lisa.