Pag isa lang ang itlog ng lalaki, pwede pa bang makabuntis?

Q: Doc pag isa lang po ba ang testis o itlog ng lalake hndi na po ba magkakaanak?

A: Pwedeng pwede paring makabuntis ang isang lalaki na isang ang itlog o testicle. Ang abilidad ng isang lalaki na makabuntis ay nakadepende hindi sa presensya ng itlog kundi sa presensya at kondisyon ng mga ‘sperm cells’ na nasa tamod o semilya ng lalaki. Kahit isa lang ang testicle o itlog ng lalaki, ito’y sapat upang gumawa ng tamang dami ng ‘sperm cells’. Kung siya ay hindi makabuntis, sa kabilang ng pagsubok ng higit sa isang taon, maaaring may ibang problema.

Tingnan kung paano malaman kung baog ang isang lalaki