Pagkakaron ng tulo sa isang buntis

Q: Buntis po ako pero may lumalabas na kulay green sa aking puwerta na tinatawag nilang tulo ano po ang dapat kong igamot dito o dapat ko pong inuming gamot?

A: Una sa lahat, hindi tayo sigurado kung ‘tulo‘ ba talaga ang lumalabas sa iyong pwerta. Maraming ibang pwedeng sanhi nito, kabilang na ang mga impeksyon na tinatawag na ‘trichomoniasis‘ at ‘bacterial vaginosis’. Makati ba ang pwerta mo? Ano ang amoy ng lumalabas na tulo? Hahanapin ng doktor ang mga sagot sa tanong na ito upang makabuo ng isang diagnosis o kanyang palagay kung ano ba ang iyong nararamdaman.

Bilang isang buntis, ikaw ay may dinadalang isa pang tao – ang iyong sanggol – at dahil dito, ang gamutan ay komplikado. Huwag na huwag gagamit o iinom ng antibiotics ng walang reseta o konsulta sa doktor sapagkat may mga gamot na nakakasama sa sanggol.

Tingnan ang mga gamot na bawal sa buntis

Sa halip, isangguni ang iyong nararamdaman sa iyong OB-GYN o iba pang doktor upang mabigyang-gabay kung ano ang pwedeng gawin at anong mga gamot ang dapat inumin, kung kinakailangan.