Patient Education and Persistence (PEP) Program

Pangalan ng Kumpanya:

MSD

Taon na nagsimula ang programa:

2011

Para sa anong kondisyon ito?

Chronic Hepatitis B and C

Para kanino ang programa?

Mga pasyenteng may Chronic Hepatitis B o C

Deskripsyon ng programa:

Ang PEP ay isang Integrated Disease Management Program na kinabibilangan ng mga doktor at nurse educators. Ang mga nurse educators ang nagbibigay ng karagdagang edukasyon tungkol sa sakit na hepatitis at tumutulong na matugunan ang mga problema sa pagpapagamot ng pasyente. Tinutulungan din nila ang mga pasyente na sumunod sa iniresetang gamot sa pamamagitan ng pagdalaw sa bahay ng pasyente at pagfollow-up sa itinakdang mga pagsusuri. Sa pamamagitan ng mga nurse educators, maaari ring makakuha ng diskwento sa gamot at libreng pagsusuri upang masubaybayan ang tugon ng pasyente sa mga iniresetang gamot.

Saan maaaring pumunta?

Magtanong sa inyong mga doktor kung sila ay kabilang na sa PEP Program. Ang mga doktor ang siyang nage-enrol sa mga pasyente sa PEP Program.

Saan tatawag para sa mga katanungan tungkol sa programa?

Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa MSD sa (02)7849500.