Pwede bang magkaroon ng STD sa isang ‘encounter’?

Q: Good pm. Last saturday, I had a encounter with a random person. We had oral sex with me as recipient, kiss on the lips, and he just slided a portion of his penis just on the outer surface of my butt. There was masturbation but no eating of cum.I am really troubled whether I got an STD or not. This is the first time that such thing happen. What kind of doctor/specialist should i go? Thanks.

A: Ang iyong ginawa ay isang tinatawag na ‘risky behavior’ o isang gawain na may panganib. Sapagkat hindi mo kilala ang taong naka-partner mo sa sex, hindi mo rin alam kung anong mga maaari nyang dalang sakit.

Iba’t iba ang uri ng STD, at iba-iba rin ang paraan ng paghawa ng mga ito. May mga STD gaya ng kulugo (warts), kurikong (scabies) na pwedeng mahawa sa pagdidikit lamang ng balat sa isa’t isa. May mga ibang STD naman gaya ng tulo, chlamydia, na pwedeng makuha sa pagbibigay o pagtanggap ng oral sex o blowjob.

Sa mga uri ng sex, pinakamataas ang posibilidad na mahawa ng mga STD gaya ng tulo, Hepatitis B, at HIV/AIDS sa anal sex, o pagpasok ng ari ng lalaki sa puwet ng ibang lalaki o babae. Mas delikado sa pinapasok ng ari (‘receptive partner’ o ‘bottom’) ang anal sex sapagkat maselan ang balat sa loob ng puwet, ito’y maraming maliliit na ugat o blood vessel na maaaring magdala ng bacteria o virus para ito’y kumalat. Bilang isang ‘high-risk behavior’, hinihikayat ko na iwasan ito, o kung hindi man, maging matapat sa iisang ka-partner, at kung talagang hindi parin, gumamit ng condom. Labasan man ng semilya (semen) sa loob ng puwet o hindi, ito’y isang “high-risk behavior” bagamat mas mataas ang ‘risk’ na mahawa ng ilang sakit gaya ng HIV/AIDS kung may kasamang ‘ejaculation’ o pagpapalabas ng tamod sa loob ng puwet.

Hindi naman lahat ng anal sex ay nauuwi sa STD. Pakiramdaman ang iyong katawan para sa mga sintomas gaya ng mga sumusunod:

  • Pagkakaron ng mala-trangkasong pakiramdam makalipas ang 1-2 buwan pagkatapos ng inyong ‘encounter’.
  • Paninilaw ng katawan at mata.
  • Paghapdi ng pag-ihi, at pagkakaron ng nana sa ari (‘tulo’)
  • Pangangati, pamumula, pamamantal sa singit/ari/bayag/puwitan
  • Singaw sa bibig, labi, dila, at lalamunan

Kung wala namang sintomas na maranasan, maaaring sinwerte ka, at hindi ka nahawa ng STD, ngunit para mapanatag ang iyong loob, pwedeng magpatingin sa sinumang doktor na maaaring magpagawa ng iba’t ibang pagsusuri sa laboratorio. Anuman ang iyong desisyon tungkol sa pagpapakonsulta, sana ay maka-iwas ka sa ‘high-risk behavior’ na ito sa pamamagitan ng pag-iwas o pagiging matapat sa iisang partner – mga epektibong paraan ng pag-iwas; o paggamit ng condom, na makaka-tulong lang sa HIV/AIDS at ilang sakit, ngunit hindi makakapigil ng iba pa gaya ng tulo.