Q: puwede bang uminom ng gamot sa ubo ang buntis?
A: Ang pag-inom ng gamot sa mga buntis ay isang bagay na komplikado, at maganda kung isinasangguni sa doktor ang anumang mga gamot na iyong iinumin. Tungkol sa mga gamot na bawal sa mga buntis, tingnan ang artikulo sa Kalusugan.PH: Mga gamot na bawal sa buntis.
Sa ubo’t sipon, may mga gamot na maaaring delikado, may mga gamot din naman na ligtas ayon sa mga nagawang pag-aaral. Ang gamutan sa ubo ay depende rin kung anong klase ng ubo; ang karaniwang ubo’t sipon ay dala ng mga ‘virus’, at kusang mawawala uminom ka man ng gamot o hindi. Sa kabilang banda, may mga ubo rin naman na kailangan ng antibiotiko. Dahil sa ganitong mga pagkakaiba, mas maganda kung ikonsulta na lamang ito sa iyong OB-GYN, doktor, o midwife sa iyong regular pre-natal checkup.
Ang mga sumusunod ay dapat IWASAN ng mga buntis. Maraming cough syrup na binubuo ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng iba’t ibang gamot, kaya dapat suriin ang mga ito ng mabuti.
Ang mga sumusunod naman ay itinuturing na LIGTAS ngunit mas maganda parin kung ipatingin muna sa doktor:
- Lagundi
- Paracetamol
- Mga antihistamine gaya ng loratadine
- Dextromethorphan at guaifenesin
Kung ako sa’yo, pag-iisipan ko munang mabuti kung kailangan ba talagang uminom ng gamot – hanggang maaari, mas magandang hindi. At kung tingin ko kailangan talagang gamutin ang aking ubo, ipapatingin ko muna sa doktor para sigurado.