Pwede parin bang mabuntis kahit nag-withdraw ang lalaki?

Q: Nagsex po kami ng nobyo ko ng may “pahabol” akong regla. Di ko lang po maintindihan kasi may naramdaman akong init sa loob ko before pa siya mag ejaculate sa labas. May posibilidad po kayang may naiwan siya bago pa siya nagwithdraw? Nagaalala po kasi ako at baka mabuntis ako. Sana po masagot niyo. Maraming salamat po.

A: Ang mga lalaki ay may tinatawag na Cowper’s fluid, pre-ejaculate, o pre-cum: ito ang likido na lumalabas sa ari ng lalaki bago ito tuluyang labasan ng semilya. Magkakaiba ang pananaw ng mga dalubhasa kung may taglay na semilya ang pre-cum at pwedeng makabuntis. Subalit possible rin na nilabasan narin ang iyong nobyo sa loob mo. Ang pinakamabuting paraan upang maging panatag ang iyong loob at tiyak ka na hindi ka bunts ay ang paggamit ng pregnancy test. Magpunta sa artikulong “Paano gumamit ng pregnancy test”  upang malaman ang mga hakbang para sa simpleng test na ito.