Skin whitening products: Epektibo ba?

Sikat na sikat na Pilipinas ang mga produkto na nagpapaputi, o mga skin whitening products. Ito’y maaaring mga sabon gaya ng papaya soap, placenta soap, at iba pa. Mayroong din mga cream na nagsasabing nakakaputi ng balat.

Image Source: www.freepik.com

Bakit nga ba gustong pumuti ng mga tao? Ito’y isang katanungan na mahirap sagutin, ngunit sa palagay ko ay bahagi dito ay pagtataguyod ng pananaw na ang pagiging maputi ay pagiging maganda? Naniniwala ka ba dito? Dito kasi naka-ugat ang desisyon na bumili ng mga produktong ito.

Ang madaling sagot sa iyong tanong ay: “Depende sa produkto”. May mga produktong sadyang nakakaputi, ngunit marami ring mga produkto na ginagamit lang ang mataas na “demand” sa mga produktong pampaputi upang mapabili ang taong bayan ng ganitong mga produkto. Dapat maging ma-ingat. At muli, dapat siyasatin kung ano bang dahilan kung bakit nais magpaputi.

Isa pa, may mga paraan para magpaputi na di nangangailangan ng gamot, gaya ng pag-iwas sa sikat ng araw (bagamat nakakasama rin ito kung masobrahan, o kung ito’y magiging hadlang sa pag-eehersisyo). Ang pag-gamit ng sunblock kung nasa beach o nakabilad sa araw, at pagsusuot ng saklob o ibang proteksyon sa balat, ay ilan sa mga madaling paraan upang magpaputi.