Q: Kagagaling ko lang po sa reactivation ng bulutong (2times) gumaling na xa pero yung marks nandito pa. ang prob ko puh sobrang kati ng mga marks and yung pores nya may something na black color di ko sure kung buhok lang xa na nag clog. Sana mabigyan nyo ng linaw kung ano xa.
A: Dahil hindi kita na-examine, wala akong maibibigay ng ‘diagnosis’ sa iyong karamdaman, ngunit magbabahagi ako ng mga kaalaman tungkol sa ‘reactivation ng bulutong’, o tinatawag na ‘herpes zoster’ o ‘shingles’.
Ang shingles o zoster ay ang pagbabalik ng ‘virus’ ng siyang nagdulot ng bulutong sa isang tao. Makalipas ang maraming taon pagkatapos ng bulutong, ang virus ay muling nagiging aktibo sa katawan, marahil sa mga panahon na mababa ang ‘immune system’. Ang mga sintomas ng ‘shingles’ ay masakit, mahapdi, o makating makating mga pantal o butlig sa katawan na mapula at limitado sa iisang bahagi lamang, di gaya ng bulutong na nasa buong katawan.
Gaya ng bulutong, walang gamot na makakapagpa-alis ng shingles, ngunit may mga gamot na kapag naibigay ng maaga ay pwedeng makatulong na maiwasan ang mga kompliksyon, gaya ng pagmamarka o pagpepeklat.
Ang payo ko sa iyo ay magpatingin sa isang dermatologist upang ma-examine ang mga ‘marks’ sa iyong balat; at ma-offeran ka ng mga susunod na hakbang. May gamot din siya na pwedeng ibigay sayo para sa pangangati at pagkirot.