Mula sa mga kagubatan ng Isla ng Luzon, hanggang sa mga kabundukan ng Isla ng Mindanao, ang buong kapuluan ng Pilipinas ay sadiyang biniyayaan ng iba’t ibang uri ng halaman. At magmula pa man noong unang panahon bago dumating ang mga mananakop na dayuhan, marami dito ay ginagamit na ng mga matatandang albularyo bilang panlunas sa maraming uri ng sakit.
Sa pagpasok ng makabagong panahon, marami sa mga halamang ito ang patuloy pa ring ginagamit sa panggagamot at ngayon nga ay bahagi na ng tradisyunal na medisina. At ang bisa ng mga halamang gamot ay lalo pang pinagtibay ng maraming pag-aaral na sinagawa sa mga halaman. Kaya naman noong taong 2003, naglabas ang Department of Health (DOH) ng listahan ng sampung halamang gamot na suportado ng siyentpikong pag-aaral at maaaring gamitin ng mga tao bilang panlunas sa iba’t ibang uri ng sakit.
1. Lagundi
Image Source: herbalplants.home.blog
Ang halamang lagundi ay pinaniniwalaang makagagamot sa pananakit ng katawan, ubo, sipon, pagkahilo, at pangangati. Basahin ang buong detalye kung paano magagamit ang lagundi bilang halamang gamot: Lagundi.
2. Yerba Buena
Image Source: en.wikipedia.org
Ang halamang yerba buena ay pinaniniwalaang mabisa para lagnat, pananakit ng ulo, ubo, rayuma, at impatso. Basahin ang buong detalye kung paano magagamit ang yerba buena bilang halamang gamot: Yerba Buena.
3. Sambong
Image Source: www.stuartxchange.com
Maaaring makagamot sa mga sakit na lagnat, sipon, sakit sa bato, rayuma at hika ang halamang sambong. Basahin ang buong detalye kung paano magagamit ang sambong bilang halamang gamot: Sambong.
4. Tsaang Gubat
Image Source: tropical.theferns.info
Makatutulong naman ang tsaang gubat sa mga sakit na ubo, diabetes, pagtatae, at pananakit ng sikmura. Basahin ang buong detalye kung paano magagamit ang tsaang gubat bilang halamang gamot: Tsaang Gubat.
5. Niyog-Niyogan
Image Source: tl.wikipedia.org
Mabisa para sa mga sakit sa balat, ubo, pagtatae, lagnat, at problema sa pag-ihi ang halamang niyog-niyogan. Basahin ang buong detalye kung paano magagamit ang niyog-niyogan bilang halamang gamot: Niyog-niyogan.
6. Akapulko
Image Source: www.asia-medicinalplants.info
Maaaring gamitin para sa sakit na eczema, mga pamamaga at implamasyon, pagtitibi, at altapresyon ang halamang akapulko. Basahin ang buong detalye kung paano magagamit ang akapulko bilang halamang gamot: Akapulko
7. Pansit-pansitan
Image Source: en.wikipedia.org
Makatutulong ang halamang pansit-pansitan sa mga sakit gaya ng rayuma, UTI, pigsa, iritasyon sa mata at mataas na kolesterol sa katawan. Basahin ang buong detalye kung paano magagamit ang pansit-pansitan bilang halamang gamot: Pansit-pansitan.
8. Bawang
Image Source: www.medicalnewstoday.com
Ang bawang na karaniwang nakikita sa ating mga kusina ay mabisa rin sa mga karamdaman tulad ng altapresyon, ubo, tonsilitis, hika, at iba pang impeksyon ng bacteria. Basahin ang buong detalye kung paano magagamit ang bawang bilang halamang gamot: Bawang.
9. Ampalaya
Image Source: drfarrahcancercenter.com
Magagamit bilang gamot sa mga sakit na diabetes, ulcer, pagtatae, pamamaga, at pananakit sa katawan ang halamang ampalaya. Basahin ang buong detalye kung paano magagamit ang ampalaya bilang halamang gamot: Ampalaya.
10. Bayabas
Image Source: www.flickr.com
Ang kilalang halaman na bayabas ay maaaring makagamot sa mga sakit na ulcer, rayuma, pananakit ng ngipin, pamamaga ng gilagid, at lagnat. Basahin ang buong detalye kung paano magagamit ang bayabas bilang halamang gamot: Bayabas.
Dahil sa potensyal ng mga halamang ito na makagamot at makapagbigay ginhawa sa mga nabanggit na karamdaman, isang magandang hakbang ang pagtatanim ng mga ito sa ating mga bakuran nang sa gayon ay makatipid at magkaroon ng mga alternatibong gamot na madaling makuha. Ngunit tandaan pa rin na ang mga halamang gamot na ito ay hindi dapat tuluyang ipanghalili sa mga gamot na inireseta ng doktor sapagkat pinakamainam pa rin ang ekspertong opinyon mula sa doktor.