Ano ang Lagnat?

Kung ang balat ng isang tao ay mainit hawakan, maaaring siya ay mayroong lagnat. Ang lagnat ay ang pagtaas ng temperatura ng katawan kaysa sa normal. Kadalasan, ang normal na temperatura ng isang tao ay nasa 37OC. Subalit, maaari rin itong maglaro sa pagitan ng 35.9OC at 37.7 OC depende sa bahagi ng katawan na pinagkuhanan ng temperatura.

Madalas na kinukuhanan ng temperatura ang isang tao sa kanyang kili-kili. Dahil mas lantad ang kili-kili sa hangin, maaaring abutin lamang ang normal na temperatura sa pagitan ng 35.9 OC hanggang 36.7 OC. Kung ang temperatura naman ay kinuha sa tenga, maaaring umabot ang normal na temperatura sa 37.5OC. Natural na mas mataas ang makukuhang temperatura sa tenga sapagkat ang bahaging ito ay mas mainit. Subalit, kung ang temperatura ay kinuha sa puwetan, magiging mas mataas ang normal na temperatura at posibleng umabot sa 37.7 OC. Kapag ang temperatura ay umabot sa 38 OC, masasabing may lagnat na ang isang tao.

Ayon sa mga doktor, hindi naman aktuwal na sakit ang lagnat. Senyales lamang ito na nilalabanan ng immune system ng katawan ang isang sakit na nagbabadya o kaya ay isang impeksyon. Dagdag dito, ang lagnat o pagtaas ng temperatura ng katawan ay nakatutulong sa pagpatay ng anumang virus o bacteria na nakapasok sa katawan. Ito ay dahil sa mas hindi nakakayanan ng mga mikrobyo ang mamuhay sa isang mainit na lugar.

Bagama’t ang lagnat ay isang hindi aktuwal na sakit, maaari pa ring maranasan ng pasyente ang iba’t ibang mga sintomas na gaya ng mga sumusunod:

  • Pakiramdam na giniginaw
  • Pamamawis ng katawan
  • Pagkawala ng gana sa pagkain
  • Pagkakaroon ng dehydration
  • Pananakit ng mga kalamnan o kasukasuan
  • Pananakit ng ulo
  • Panghihina at pagiging antukin
  • Pagkawala ng konsentrasyon
  • Pagiging iritable

Kung hindi naman malubha ang lagnat, maaaring magtagal lamang ito ng 2 hanggang 3 araw, lalo na kung ito naman ay wastong magagamot. Subalit, maaari rin itong magtagal ng hanggang 14 na araw. Ilan sa mga pangunahing paglunas sa lagnat ay ang pag-inom ng mga over-the-counter (OTC) na gamot na gaya ng paracetamol, acetaminophen, at ibuprofen. Maaari ring magreseta ang doktor ng mga antiviral medication o antibiotic kapag natukoy na kung anong uri ng impeksyon ang nakaaapekto sa katawan. Bukod sa pag-inom ng mga gamot, malaki rin ang maitutulong ng pag-inom ng maraming tubig, pagpapahinga, at pagdampi ng malamig na tuwalya sa katawan upang mapababa ang lagnat.

Mga posibleng sanhi ng lagnat

Kapag nagkaroon ng lagnat, karaniwang naiisip ng mga tao na mayroon silang impeksyon sa katawan. Bagama’t isa ang impeksyon sa mga pangunahing sanhi ng lagnat, mayroon pang iba’t ibang mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng kondisyong ito. Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Pagkakaroon ng impeksyon. Gaya ng nabanggit noong una, ang pagkakaroon ng impeksyon ay isa sa mga pangunahing sanhi ng lagnat. Ang karaniwang mga mikrobyo na nakapagdudulot ng lagnat ay mga virus at Halimbawa ng viral infection na nakapagdudulot ng lagnat ay tonsillitis at sipon. Sa bacterial infection naman, maaaring may ubo o urinary tract infection (UTI) ang isang pasyente kaya siya ay nakararanas ng lagnat.
  • Pagkakabilad o pagkakalantad sa mainit na panahon. Maaari ring pansamantalang tumaas ang temperatura ng katawan kapag nabilad o nalantad sa matinding init ng araw. Karaniwan itong nagreresulta sa heatstroke kung saan ang isa sa mga sintomas nito ay ang pagkakaroon ng lagnat. Bagama’t pansamantala lamang ito, maaaring umabot ang temperatura sa 40.5 OC at magdulot ng pagkawala ng malay ng pasyente.
  • Pagkakaroon ng mga inflammatory condition. Ilan sa mga kilalang inflammatory condition na nakapagdudulot ng lagnat ay ang rheumatoid arthritis. Sa uri ng rayumang ito, ang mga kasukasuan ng pasyente ay nananakit at namamaga dahil sa kusang inaatake ng immune system ng katawan ang mga bahaging ito. Kadalasan, kapag nakararanas ang katawan ng pananakit at pamamaga, bahagyang tumataas ang temperatura nito.
  • Pagkakaroon ng kanser. Maaari ring makaranas ng lagnat ang pasyente kung siya ay may sakit na kanser. Ganunpaman, ang lagnat ay isang madalang na sintomas lalo na kung ang kanser ay nasa mga unang yugto pa lamang. Madalas na nakararanas ng lagnat ang pasyente kung ang kanyang kondisyon ay lumubha o kaya naman ay may kanser sa dugo ang pasyente na gaya ng leukemia at lymphoma.
  • Epekto ng pag-inom ng ilang mga uri ng gamot. Ang pag-inom ng ilang mga uri ng gamot ay nakapagdudulot din ng lagnat. Halimbawa ng mga gamot na maaaring makapagpataas ng temperatura pansamantala ay mga antibiotic, seizure medication, at high blood pressure medication.
  • Epekto ng pagpapabakuna. Mapapansin din na bahagyang nagkakaroon ng lagnat pagkatapos mabakunahan ang isang tao lalo na ang mga sanggol o bata. Ito ay dahil sa ang mga bakunang ibinibigay ay naglalaman ng kaunting dami ng mga mikrobyo upang magawang maka-angkop ang katawan sa paglaban ng mga sakit.

Bukod dito, ang mga sumusunod na karamdaman ay kadalasan ding nagdudulot ng lagnat o pagtaas ng temperatura sa katawan:

Mga sakit sa apdo na gaya ng:

Mga sakit sa atay na gaya ng:

Mga sakit sa balat na gaya ng:

Mga sakit sa baga na gaya ng:

Mga sakit sa bato na gaya ng:

Mga sakit na neurolohikal na gaya ng:

Mga STD na gaya ng:

Mga sakit sa tenga na gaya ng:

Mga tropikal na sakit na gaya ng:

Mga posibleng komplikasyon ng lagnat

Kung ang sanhi ng lagnat ay hindi naman gaanong seryoso, kadalasang wala naman itong idinudulot na matinding komplikasyon. Subalit, kung ang lagnat ay hindi agarang mabibigyan ng wastong lunas, maaaring magresulta ito sa mga sumusunod:

  • Pagkakaroon ng dehydration. Dahil sa pagtaas ng temperatura ng katawan, nagiging mas mabilis ang paghinga ng pasyente. Sa bawat paghinga, ang mga tubig mula sa bibig ay mas mabilis na sumisingaw at natutuyo. Dagdag dito, labis din ang nararanasang pagpapawis ng pasyente kaya naman siya ay nanganganib na magkaroon ng dehydration. Bagama’t madalang lamang ang mga matatanda na magkaroon ng dehydration kapag nilalagnat, karaniwang komplikasyon ito sa mga bata lalo na sa mga sanggol. Kung hindi agad malulunasan ang dehydration, maaari itong magresulta sa shock at maging comatose.
  • Pagkakaroon ng halusinasyon at diliryo. Sa labis na pagtaas ng temperatura ng katawan, ang mga selula ng utak ay nagiging mas iritable at mas sensitibo sa mga Dahil dito, maaaring makaranas ang pasyente ng halusinasyon at pagdidiliryo. Sa mga pagkakataong ito, maaaring makakita ang pasyente ng kung anu-anong mga bagay na hindi naman totoo o kaya naman ay pansamantalang hindi makilala ng pasyente ang mga taong nasa paligid niya.
  • Pagkakaroon ng seizure. Maaari ring maging komplikasyon ng lagnat ang pagkakaroon ng seizure. Dahil sa labis na pagtaas ng temperatura, ang pasyente ay nawawalan ng malay at nakararanas ng imboluntaryong panginginig o pangignigsay ng katawan. Ang komplikasyong ito ay karaniwan sa mga batang nasa edad 6 na buwan hanggang 5 taon at madalang lamang sa mga matatanda.

Kung nakararanas ng lagnat, agad itong bigyan ng wastong lunas upang hindi na magresulta pa sa mga nabanggit na komplikasyon. Maaari namang malunasan ang lagnat ng kahit nasa bahay lamang sapagkat ang mga gamot para rito ay nabibili ng kahit walang reseta ng doktor. Ganunpaman, kung may kakaibang mga sintomas na nararamdaman, mas maiging magpakonsulta sa doktor upang maresetahan ng iba pang mga gamot.

Sanggunian: