Ano ang Bukol sa Leeg (Neck Bump or Lump)?
Ang bukol sa leeg (neck bump or lump) ay ang pagkakaroon ng maliit o malaking pag-umbok sa harapan, tagiliran, o likuran ng leeg. Ang kondisyong ito ay kadalasang hindi mapanganib at puwedeng dulot lamang ng pamamaga ng kulani, impeksyon, at iba pa. Maaari rin namang ang bukol sa leeg ay dulot ng mas malubhang kalagayan katulad ng kanser subalit ito ay napakadalang na mangyari.
Kung ang nakakapang bukol sa leeg ay matigas, hindi normal ang hugis, at lumalaki, magpakonsulta agad sa doktor. Bukod sa mga ito, obserbahan din kung may iba pang mga sintomas na nararamdaman, gaya ng mga sumusunod:
- Pagtagal ng bukol sa leeg na mahigit 2 linggo
- Hirap sa paglunok
- Pamamalat o pagbabago ng boses
- Pag-ubo ng may dugo
- Pagkakaroon ng lagnat
- Pagbaba ng timbang
- Pagpapawis tuwing gabi
- Pagkahapo o hirap sa paghinga
- Pakiramdam na laging pagod
- Pagkakaroon ng mga pasa sa katawan
Ang mga sintomas na nabanggit ay maaaring indikasyon ng ibang mga sakit. Bagama’t karaniwang hindi mapanganib ang bukol sa leeg, nangangailangan pa rin ito ng wastong diagnosis upang malapatan ng lunas at tuluyang mawala.
Mga Posibleng Sanhi ng Bukol sa Leeg
Upang magkaroon ng kaalaman kung bakit nagkakaroon ng bukol sa leeg o neck mass, narito ang mga pangkarinawang sanhi nito:
- Pagkakaroon ng impeksyon ng mga kulani. Ang mga kulani o lymph nodes ay matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng katawan, gaya ng leeg, ilalim ng baba, kilikili, singit, at iba pa. Ang mga kulani ay maliliit na bilog-bilog na organ na tumutulong sa paglaban ng katawan sa mga mikrobyo katulad ng mga virus at Kapag nagkaroon ng impeksyon ang mga kulani, namamaga ang mga ito at nagdudulot ng pag-umbok sa apektadong bahagi, gaya ng leeg. Ilan sa mga halimbawa ng mga sakit na nagdudulot ng impeksyon ng mga kulani ay ubo, sipon, at tonsilitis.
- Pagkabara ng mga salivary gland. Mayroong tatlong uri ng salivary gland sa katawan: parotid, submandibular, at Ang mga gland na ito ay tumutulong upang magkaroon ang bibig ng sapat na saliva o laway upang mas maging madali ang paglunok ng pagkain. Subalit, kapag nabarahan ng naninigas o namuong laway ang alinman sa mga gland na ito, puwede itong madulot ng mamamaga at ng pag-umbok na posibleng umabot hanggang leeg.
- Pagkakaroon ng problema sa thyroid gland. Bukod sa pagbabara ng mga salivary gland, puwede ring magdulot ng bukol sa leeg ang problema sa thyroid gland. Ang thyroid gland ay isang maliit na organ na matatagpuan sa harapan ng leeg. Ito ay tila hugis paruparo na nakabalot sa trachea o lalagukan at umaabot hanggang tagiliran nito. Ang thyroid gland ay tumutulong sa metabolismo ng katawan upang ang pagkain ay maging enerhiya. Gumagawa rin ang thyroid gland ng mga thyroid hormone na nakatutulong sa iba’t ibang gawain o function ng katawan. Kapag nagkulang o napasobra ang paggawa ng thyroid ng mga hormone, puwede itong magdulot ng mga kondisyon gaya ng hypothyroidism, hyperthyroidism, goiter, at iba pa. Ilan sa mga pangkaraniwang sintomas ng mga kondisyong ito ay pamamaga o pag-umbok ng leeg.
- Pagkakaroon ng sakit sa balat. Puwede ring ang bukol sa leeg ay dulot lamang ng mga simpleng kondisyon sa balat katulad ng taghiyawat, pigsa, skin tag, non-cancerous cyst, at iba pa. Batay sa sanhi, puwedeng matanggal ang mga ito sa pamamagitan ng wastong pangangalaga sa balat, pag-inom ng antibiotic, o pagsailalim sa simpleng drainage o surgical procedure.
- Pagkakaroon ng congenital disorder. Ang bukol sa leeg ay puwedeng isang bahagi o indikasyon ng congenital disorder o isang kondisyon kung saan hindi na-develop o nabuo nang maayos ang bahagi ng katawan. Ilan sa mga halimbawa ng mga pangkarinwang congenital disorder ay pagkabingot, congenital heart disease, cerebral palsy, at iba pa. Maging ang leeg ay puwedeng hindi mabuo nang maayos na siyang nagiging dahilan ng pagkakaroon ng bukol nito. Halimbawa na lamang nito ay cystic hygroma, kung saan ay ipinanganak ang sanggol na may bukol sa likuran ng leeg na umaabot hanggang tagiliran.
- Pamamaga ng ugat ng leeg. Kung ang isa sa mga ugat o daluyan ng dugo ng leeg ay namaga, maaaring makakapa ng bukol sa leeg. Ang pamamaga ng ugat sa anumang bahagi ng katawan ay tinatawag na Isa itong mapanganib na kondisyon sapagkat ang namagang ugat ay puwedeng pumutok at magdulot ng atake sa puso, stroke, epilepsy, kidney failure, pagkaparalisa, o maging pagkamatay.
- Pagkakaroon ng tumor sa leeg. May mga tumor sa leeg na benign at Ang benign na tumor ay hindi kumakalat kaya hindi ito gaanong mapanganib. Subalit, ang malignant na tumor ay mapanganib sapagkat ito ay puwedeng kumalat at lumaki. Hindi pa tiyak ng mga doktor ang sanhi pagkakaroon ng tumor sa leeg subalit puwedeng ito ay nasa lahi ng pamilya o namamana.
Mga Sakit na Kaakibat ng Bukol sa Leeg
Kung may nakakapang bukol sa leeg, maaaring mayroon kang alinman sa mga kondisyong ito:
Mga sakit na nagdudulot ng pamamaga ng mga kulani
- Ubo at sipon
- Tonsilitis (pamamaga ng lalamunan)
- Bulutong o chickenpox
- Impeksyon sa baga
- Impeksyon sa tenga
- Impeksyon sa bibig
- Pagkakaroon ng kuto
- Impeksyon sa balat
- Glandular fever
- Cold sore/herpes infection
- Kawasaki disease
- HIV
- Leukemia (kanser sa dugo)
- Lymphoma (kanser sa kulani)
Mga sakit sa salivary gland
- Sialoliths (mga namuo o nanigas na laway)
- Sialadenitis
- Mumps o beke
Mga kondisyon sa thyroid gland
- Hypothyroidism
- Hyperthyroidism
- Goiter o bosyo
- Thyroiditis
Mga sakit sa balat ng leeg
- Taghiyawat
- Pigsa
- Non-cancerous cyst
- Skin tag
- Skin abscess
Mga congenital disorder
- Cystic hygroma
- Dermoid cyst
- Branchial cyst
- Thyroglossal cyst
- Thoracic outlet syndrome
Pag-umbok ng ugat malapit sa leeg
- Cerebral aneurysm
- Thoracic aortic aneurysm
Pagkakaroon ng tumor o kanser
- Mga benign na tumor sa soft tissue, nerve, o blood vessel
- Kanser sa baga
- Kanser sa tiyan
- Kanser sa buto
- Lipoma
- Chrondrosarcoma
Sa mga nabanggit, ang mga kondisyon katulad ng ubo at sipon ang nangungunang sanhi ng pagkakaroon ng bukol sa leeg. Subalit, hindi dapat laging isipin na ang mga pangkaraniwang sakit na ito lamang ang sanhi. Upang matiyak kung bakit nagkaroon ng bukol sa leeg, mas mainam na magpakonsulta sa doktor. Nakatutulong din ito upang malapatan agad ng wastong lunas ang bukol sa leeg at hindi magdulot ng anumang mapanganib na komplikasyon.
Sanggunian:
- https://www.lawoto.com/blog/what-you-should-know-if-you-feel-a-lump-on-your-neck
- https://patient.info/signs-symptoms/neck-lumps-and-bumps-leaflet
- https://www.webmd.com/oral-health/guide/salivary-gland-problems-infections-swelling
- https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/8541-thyroid-disease#:~:text=The%20thyroid%20gland%20is%20a,The%20thyroid%20is%20a%20gland.
- https://www.healthline.com/health/neck-lump
- https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/aneurysm